WALANG INUURUNGAN!

Thursday, December 08, 2005

ANG ALAMAT NG MYNAH BIRD NA NAGLAYAS, BUMALIK SA KANYANG PUGAD, AT HUMINGI NG TAWAD, AT PINARUSAHAN
[CONTRIBUTED BY MR. JOSE MA. DALDAL, FREELANCE CONTRIBUTOR AND SPY]

Magandang araw sa inyong lahat mga kaibigan! Kumusta na kayo? Ang tagal na mula nung huling article natin ano? Ay grabe, ang daming mga bagong chismis pero yung mga iba medyo madugo at mahirap ibunyag kasi baka madedo ng di oras ang lola mo.

Siguro ay naiintriga na kayo at mukhang napakahaba ng title ng article natin ano? Ang kuwento natin ngayong araw ay isang alamat tungkol sa isang ibon. Handa na ba kayo mga bata? Sige maghanap na kayo ng upuan para may mapalo kayo sa mga chismoso ninyong mga ulo.

Halina't magsimula na tayo.

Noong unang panahon, ay mayroong isang Mynah Bird na maganda naman ang takbo ng kaniyang buhay, sapagkat magaling siyang humuni at kumanta, at marami ang naghahanga sa kanya, in fact, meron nga syang mga albums, would you believe?

Isang araw, itong ibon na ito ay bigla bigla nalang nagtampo at nag alburuto. Ayaw na daw niya sa bahay niya, ayaw na daw niya sa pamilya niya, sapagkat hindi daw siya masaya sa pamamalakad nito. Sabi niya "Bleh! Mas maGanda sa iba!"

Sa sobra ng pag-tantrum ng bida nating Mynah Bird, pinamigay niya ng libre, for FREE ang mga gamit na bigay sa kanya ng mga magulang niya. Sa galit ng mga magulang niya at dinemanda nila ang sarili nilang anak! Pero wala naman atang nangyari sa kasong ito sa korte.

Pagkaraan ng ilang buwan, ay nakahanap ang bida nating Mynah Bird ng panibagong pamilya at pugad na matitirahan sa may kanto ng Vincent Del Rosario Boulevard at ng Walang Kuwentang Record Label Avenue.

Anyways, masaya ang lahat noong una (para sa bida nating Mynah Bird), sapagkat nakukuha niya ang lahat ng layaw niya, at the expense ng iba niyang mga housemates na matagal nang nakatira dun. Pero ibang kuwento na yun, at ibang article yun. Ibang alamat yun, ikanga.

Hindi nagtagal, naglayas nanaman si Mynah Bird, sapagkat panget pa rin daw ang pamamalakad ng kanyang bagong tinitirahan. Sabi niya, "Vwisit! Ina nyo! Vwisit tAlaga!"

So to make the long story short, naglayas nanaman siya at naghanap ng ibang matitirahan (or better yet, maloloko). Before long, ang padre pamilya ng tinirahan ng ating bida, na si Mr. Del Rosario, ay nagalit. Nagsampa sya ng mga kaso sa korte. Nung una, nagmatigas pa talaga si Mynah Bird at ayaw niyang pumunta as korte, dinededma ng lolo mo ang mga subpoena chenes.
Pero nung nakita na ng bida nating Mynah Bird na wala silang mapapala at baka makulong pa sila kasama ni Hubert Webb sa Munti, nagbalik sila sa bahay nila as Vincent Del Rosario Boulevard.

Parang isang tunay na prodigal son, nagbalik pugad ang Mynah Bird natin.

"Sorry po itay, I've been a bad Mynah Bird, sorry po sa paglalayas at sa pagreklamo ko, at sa paghanap ko ng ibang pamilyang malilipatan. Sorry na po talaga hindi na po mauulit. Sige na po sorry na po please lang po ayaw ko po makulong sa Muntinlupa, paano na po ang aking mga magaganda at matitingkad na balahibo at balat? Baka bunutin po ito at babuyin sa Muntinlupa. Sorry na po itay, patawad po."

Napaisip at medyo naluha ang padre de pamilyang si Mr. Del Rosario. Sabi niya,

"Anak, alam mong mahal na mahal kita. Lahat ng gusto mo binigay ko sayo, cellphone, laptop, lahat, hingin mo, ibibigay ko. Kahit naapakan na at nababoy na ang mga ibang kasama mo dito sa bahay, sige parin ang bigay ko sayo. Yung mga DAPAT SA KANILA, BINIGAY KO NA DIN SAYO.

Sige, pagbibigyan kita. Ngunit, bilang parusa, sa ayaw mo't sa gusto mo, dapat kang gumawa ng isang album na puro covers ng mga 80s new wave hits."

Sabi ng Mynah Bird, "Sige po. Opo"

[PLEASE SEND YOUR HATE MAIL AND QUESTIONS TO francischizmoso@gmail.com]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home