WALANG INUURUNGAN!

Friday, October 28, 2005

MGA PESTENG UNGGOY NA SUMISINGIT, SI BOSSING AT SI ANGHEL, AT ANG WALANG KAKUPAS KUPAS NA BURGER COMBO MEAL
[CONTRIBUTED BY PAQUI ALAMERO, HOTEL MANAGER AND CHEF]

Ako ay lubos na natutuwa sapagkat muli akong binigyan ng pagkakataon ng ating kaibigang si Francis "Chiz" Moso na magsulat para as walang kamatayang online pahayagan niyang WALANG URUNGAN. Moving on, halina tayo at tumungo na tayo sa mga mas mahalaga at mas masasarap na mga chizmax.

Unang chizmax na nakahain sa ating menu ngayong araw...

LIMANG ORDER NG PESTENG UNGGOY NA SUMISINGIT w/ a dash of Kakupalan Herbs and Spices
Naku po. Itong mga involved dito sa chikang ito ay na-feature na dito sa WALANG URUNGAN. Sila ang mga gustong maging milyonaryo! Leche! As usual, ang grupong ito ay mahilig na mahilig sumingit at magdikta ng oras nila sa pagtugtog, kahit huli at late na sila dumating. Ang sarap paguntug-untugin ng mga unggoy na'to!

Ang alledged singita na ito ay naganap sa isang tugtugan kamakailan sa isang bar na bagong bukas sa may bandang Katipunan. Medyo maraming mga naasar at naimbiyernang mga banda at tao sa grupong ito, dahila marami silang nasingitan. Itago nalang natin sila sa pangalang TM. As in The Monkeys. Lagi na lang sila late dumating at may apog pa silang magdikta ng oras ng pagtugtog nila kahit sumingit pa sila ng sumingit mga peste talaga sila. HOY! SINGIT KAYO NG SINGIT! MUKHA NA KAYONG MGA SINGIT NG UNGGOY! GISING!

ISANG ORDER NG SIZZLING BOSSING w/ ANGEL HAIR PASTA
Ito namang chika medyo showbiz. May isang unwitting DPA na di umano'y nakasaksi ng isang napaka juicy na chizmax material. Itong DPA na ito ay pumunta sa set ng isang sikat na noontime show sa isang sikat na TV station. Ang ating DPA na ito ay kinausap ang isa sa mga host nitong noontime show upang magpapirma ng otograp at hanapin si MS, na isa ding host ng noontime show na ito. Ang DPA natin ay itinuro sa private office ni MS, na kung saan kumatok sya at pumasok.

Nailang nalang ang ating DPA nung makita niyang may nakakandong kay MS na chikkabeybz, na hinahalik halikan sa leeg si MS. Humingi ng paumanhin ang DPA natin at nagpapirma na ng otograp kay MS. Natural, upang makapagpirma si MS ay dapat munang tumayo ang nakakandong ng chikkabeybz. Nagulat nalang ang DPA natin nung tumayo ang chikkabeybz at nung paglingon, ay nakita niya ang mukha.

Itago nalang natin ang kandungerang ito sa pangalang TA. Ayus? Ayus. Tsalap tsalap!

ISANG JUMBO ORDER NG BURGER COMBO MEAL w/ side order of maruya
Nakhoompocha. Itong topic natin medyo nabanggit na ng dalawang beses sa mga nakaraang isyu ng WALANG URUNGAN. Actually, ang mga indibidwal na ito ang topic nung kauna-unahang edition ng online pahayagan na ito.

Para sa mga hindi nakakaalam, paki basahin nalang ang unang isyu ng WALANG URUNGAN, kasi mahirap na magtype pa ako ng kay haba habang nobela, eh kung puwede niyo naman silipin, silipin niyo na, wag kayong tamad.

Okey, nabasa niyo na? Good. Pagkatapos ng tugtugang nabanggit, may isa kaming DPA na nakarinig na sinasabi daw ng grupong Hey na feeling daw nila na ginamit sila ng bandang Warmz para sa nasabing tugtugan, kasi nung araw na yun, isinagawa ng Warmz ang pagbigay ng tipar sa kanilang mga mailing list members.

In the alledged words of the group Hey, "WE FELT USED".

Oh my god.

In my own words, GAGO KAYO. ANG YAYABANG NG MGA LECHENG APOG NIYO. MGA PESTENG BALAT SIBUYAS KAYO ANG AARTE NIYO. PWEH.

Ang sama ko ba? Actually hindi naman masyado, sapagkat nasagap ko sa isa ko pang DPA na unang una, hindi talaga dapat kasama ang Hey sa tugtugan nung araw na yon. Ang kasama dapat ay ibang banda - ang Orange and Lemons at Cambio. So kung may problema sila na feeling nila ginamit sila, huwag nilang sisihin ang mga kasabay nilang banda, kausapin dapat nila ang may ari ng lugar, kasi hindi naman talaga sila dapat kasama sa lineup.

Shet, ayoko na. Tama na. Ang sakit na ng puso at ulo at tiyan ko. Pati na din ang mga paa ko sa kasisipa sa pader.

Peace lang tayong lahat mga mudras at sisters okay? Ayus? Ayus! Hanggang sa muling isyu, ito ang inyong lingkod, na nagpapaalam.

[FOR ANY HATE MAIL, OBJECTIONS, VIOLATE REACTIONS, please send an email to our offices through francischizmoso@gmail.com]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home