WALANG INUURUNGAN!

Tuesday, October 04, 2005

HEART PINOPONGPYANG, LUTUAN SA GBOB, at ALITAN NG PUSA AT HAMBOORJER?
[CONTRIBUTED BY U. CICERO, LIFESTYLE SECTION, WALANG URUNGAN]

It has truly been a busy week for the WALANG URUNGAN offices, as we are currently on tour, doing the rounds of schools, offices, and whatnots. Our beloved Mr. Chiz Moso has been lending his time to various institutions, giving talks and lectures to journalists, and other media people.

Anyways, pasensya na sa medyo matagal na panahon na walang bagong "CHIZ" dito. So let us go down to business shall we? Marami tayong hot topics to tackle, three to be exact. So buckle up ikanga ni Han Solo. And enjoy the ride. Hindi ko alam kung sinabi niya talaga 'yon.

Unang una, si Heart Evangelista daw ay hindi kasing inosente ng kanyang hiktsura. Kala ko pa naman isa siyang mahinhin na rosas. Pero hindi pala. Ayon sa isa naming very very very credible source na insider sa showbiz community, usap usapin na talaga daw ang pagsasama at pagpopongpyangan ni Heart Evangelista at ng kanyang Vietnam Rose co-star na si John Estrada. Naku po. Paano na si Vanessa Del Bianco? Nakakainggit naman si Heart!

Apparently, for show lang pala ang rumors ng love team nila ni Jericho Rosales para sa hype ng Panday ng ABSCBN. Ang totoong nangyayari pala ay ang ESPADA ni ESTRADA ang PINAPANDAY ni Heart, hindi yung kay Echo! ARAY!

Pangalawang CHIZ! Alam naman siguro ng karamihan na sa kasalukuyan ay may ginaganap ng paligsahan o contest ng mga banda. Ito ay ang GLOBAL BATTLE OF THE BANDS, o GBOB kung tawagin. Ang pagkaalam ko ay hanggang ngayon ay patuloy parin ang contest na ito hanggang may mahanap silang banda na magrerepresent sa Pilipinas sa London, kung hindi ako nagkakamali.

Marami nang mga banda ang natanggal, nasipa, at nachugi. At siyempre marami na rin ang natanggap sa eliminations. Ngunit, may UNCONFIRMED chizmiz na kumakalat na nasagap ko mula sa isang DPA na may LUTUAN daw na nagaganap sa paligsahang ito.

Ayon sa kanya, ang mga bandang hawak daw ng isang certain female manager ay siguradong makakapasa sa eliminations. Basta daw alaga ka ni ***** ay tanggap ka na daw at pasado na ang banda mo sa GBOB eliminations. Clue? Gusto niyo ng clue? Hindi puwede noh! Magpasabog muna kayo! Paghirapan niyo!

LAST BUT NOT THE LEAST JUICY CHIZ. Mayroon kaming nasagap na UNCONFIRMED report at usap usapin tungkol daw sa hayagan ng damdamin sa pagitan ng dalawang lead singer. Itong balitang ito ay lumabas din daw sa isang tanyag na pahayagan.

Sa isang tugtugan daw na kabilang ang maraming mga banda, nagtagpo daw ang dalawang parties involved na ito. Incidentally, lead singer silang pareho. Yung isa medyo may edad na, at yung isa medyo bata pa. Yung lead singer na medyo may edad na ay matagal na sa industriyang musika, sikat na sikat sila nung dekada 90s, at kung hindi ako nagkakamali ay nanalo pa sila ng NU ROCK AWARD for SONG OF THE YEAR.

Medyo nawala lang sila sa sirkulasyon, kung bakit ay hindi ko na alam. Siya ay itago natin sa pangalang LEAD SINGER A.

Yung mas bata naman na lead singer ay baguhan lang sa eksena ng musika. Siguro mga isang taon palang silang tumutugtog. Sikat na sikat sila ngayon as in. Para padaliin ang pagtukoy sa kanya, siya ay si LEAD SINGER B. Anyways, may CHIZ na kumakalat na may sinabi daw si LEAD SINGER B kay LEAD SINGER A tungkol sa pagtugtog ng mga banda noong dekada 90s. Allegedly, sinabi ni B kay A na, and I quote my source:

"Ang problema siguro sa mga banda noong panahon niyo, hindi kayo magaling eh."

Baka naman si B ay na-"taken out of context" ika nga sa Inggles. Baka naman ay may iba siyang ibig sabihin at mali lang ang paglabas ng mga salita sa bunganga niya.

Baka naman din totoo ito. Ewan natin. Ewan.

DISCLAIMER: Itong balitang ito ay nasagap lang ng tanggapan namin sa pamamagitan ng 2nd hand sources of information, at ipinapahayag lang namin in the best interests of investigative journalism and free press.

Kaya, BATO BATO sa LANGIT, TAMAAN SANA ANG MGA PIKON. You know who you folks are.

[PLEASE SEND YOUR VIOLENT REACTIONS, HATE MAIL, CONFIRMATIONS, DENIALS, and COMMENTS TO THE WALANG URUNGAN OFFICES]

2 Comments:

  • RSS Feed is Up
    RSS Is Here! Yes, you read that right - Public Eye finally has its very own RSS feed .
    Find out how you can buy and sell anything, like things related to music on interest free credit and pay back whenever you want! Exchange FREE ads on any topic, like music!

    By Blogger Seva Alieva, at 3:26 AM  

  • Online rules seek to control protests in China
    TWO new Internet bans may offer insight into the Chinese government's biggest fears.
    Great stuff here, I will bookmark this blog!

    I have a stock market trading begginer site/blog. Which lists lots of valuable information on stock market trading begginer.

    Come and check it out if you get time :-)

    By Blogger learn2stocktrade.com, at 3:26 AM  

Post a Comment

<< Home