WALANG INUURUNGAN!

Tuesday, August 09, 2005

WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE?
[CONTRIBUTED BY MR. KEN G. COY, FREELANCE PERFORMANCE ARTIST AND BUSINESSMAN]

QUEZON CITY - Wala sigurong tao na hindi nakakaalam sa show na "Who Wants To Be A Millionaire", na pinasikat ni Mr. Christopher "BOYET" De Leon, sa pamamagitan ng mga samu't saring mga lifelines na sinusundan niya ng mga hirit na "Is that your final answer?" Galing diba? Nakakamiss talaga itong show na ito.

Gayunpaman, may mga undercover assets kami sa opisina namin na nagbalita sa amin na buhay nanaman ang show na ito. Hindi sa TV, kundi sa tunay na buhay daw? Agad agad naming pinadampot ang mga assets namin upang ipasailalim sila sa masusing interogasyon ukol dito.

Ayon sa kanila, may isang grupo daw na gumawa ng theme song para sa isang channel sa TV na ginagamit sa isa sa mga programa nito. Nung panahon na iyon, napagkasunduan daw ng grupo at ng TV channel na ito na wala daw matatanggap na bayad ang grupo para sa awiting sinulat nila, sapagkat kulang daw sa budget ang nasabing TV channel na ito.

Base sa nasabi ng mga assets namin, pumayag daw ang grupo, dahil napagisipan nila na kahit papaano ay may makukuha naman silang exposure sa pamamagitan ng pagtugtog ng kanta nila as TV channel na ito. In fairness, nagkatotoo naman ang hinala nila sapagkat nagkaroon ng ingay o buzz ang grupong ito, sapagkat maraming nakakilala sa kanila dahil sa paggamit ng TV channel na ito sa kanilang kanta.

Fast forward tayo. Pagkaraan ng panahon, itong grupo na ito ay nakapag-close ng deal sa isang major recording company.

Slo-motion naman. Nagulat nalang daw ang management ng nasabing TV channel nung nakatanggap sila ng billing o paniningil mula sa grupong ito...to the tune of P1,000,000.00! Hindi namin confirmed kung gaano katotoo ang numerong ito, ngunit ito ang bali-balita sa karamihan ng mga assets namin. Wow! Totoong buhay na pala ulit ang palabas na "Who Wants To Be A Millionaire", yun nga lang, hindi na si Boyet De Leon ang host.





PLEASE SEND YOUR HATE REACTIONS, DENIALS, OR CONFIRMATIONS TO THE WALANG INUURUNGAN HELPDESK

0 Comments:

Post a Comment

<< Home