WALANG INUURUNGAN!

Sunday, August 07, 2005

CAPTAIN JACK SPARROW
AND THE BLACK PEARL
[CONTRIBUTED BY DR. MARCUS WHALE, P.H.D., DOCTOR OF CHISMISOLOGY]

MAKATI CITY - Mayroong mga kumakalat na balita na di umano'y mayroong isang unsigned na banda na naging biktima ng pamimirita, at ang masakit pa dito ay wala pa silang album! Ang Demo CD ng bandang ito ay ang di umano'y napirata ng hindi pa nakikilalang mga nilalang.

Ayon sa reports ng aming mga Deep Penetration Agents, ang bandang ito, na itago nalang natin sa pangalang GF, ay naglako ng kanilang Demo CD sa isang record label.

Sa panayam ng aming DPA sa isang miyembro ng GF na itago nalang natin sa pangalang Jay-2, nilako daw nila ang kanilang Demo CD sa isang record label sa Metro Manila. Ayon kay Jay-2, nagmistulang mga gulat na palaka nalang sila nung malaman nila na pagkaraan daw ng isang linggo ay natagpuan na sa Recto ang kanilang Demo CD. Nilinaw ng aming DPA kay Jay-2 na baka naman ay may ibang tao silang nabigyan ng kanilang Demo CD. Wala daw sabi ni Jay-2. Ayon sa kanya, isa lang daw ang nabigyan niya ng Demo CD ng GF.

Sa tingin ko, hindi naman siguro yung mismong tao na binigyan ni GF ng Demo CD and namirata. Sa tingin ko, may mga taong may malilikot na kamay na umaali-aligid sa mga record company.

Inside Job, kung baga.

Bilang paglalahad sa artikulong ito, mag-ingat nalang ang lahat ng mga bandang nagbibigay ng kanilang mga Demo CD sa kung saan saang mga tao o record labels. Ingat lang at baka mabiktima ng mga karumal dumal na pamimirata!


You may report any anomalies or injustices committed on you or by you, to the offices of DR. MARCUS WHALE, P.H.D. Just send him a message through this site.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home