WALANG INUURUNGAN!

Thursday, August 04, 2005

ANG ALAMAT NG
BADUY NA SIBUYAS
[CONTRIBUTED BY FRANCISCO "CHIZ" MOSO, FREELANCE CHISMIS INVESTIGATOR]

Not so long ago, nakadalo ako sa tugtugan ng isang banda sa isang bar na itago nalang natin sa pangalang The Matrix. Huwag na nating ipaalam pa kung ano ang pangalan ng bandang ito. Let's just call them the Warmz. Sa tugtugang ito, may isa pang banda, na itago nalang natin sa code name na Hey. Pagkatapos tumugtog ng Hey, agad agad silang bumaba ng entablado upang magbihis, magpunas ng pawis, at makipaghalubilo sa kanilang mga nagsisisigaw na girlie fans, guwaping kasi yung singer nila na si Burgee.

Nung lumabas si Burgee na pawis pawis pa, siyempre dinumog siya ng mga fans upang magpakuha ng litrato na kasama ang kanilang pinakamamahal na Burgee.

Apparently, medyo nainis at sumama ang loob ng Hey dahil feeling nila inaapi daw sila at inaalipusta nung nakihiyaw at nakipagkodakan ng kunwari kay Goobs ang mga kaibigan ng Warmz. Based sa mga nakita ko, panay sigaw ng mga kaibigan ng Warmz ng mga samu't saring mga kataga tulad ng:

"Goobs ang pogi mo!"
"Goobs papiktyur naman!"
"Goobs! Goobs! Ang pogi mo! Papiktyur!"

Hindi ko masyadong kilala ang Warmz, pero sa nakikita ko, masyado lang silang makulit minsan at medyo maingay pag nagsasama sama sila. Sa aking interview kasama ng isang taga Warmz na si Goobs, wala naman daw silang masamang intentions sa nangyari.

"Nakatayo lang nga ako dun sa may pintuan nung lumabas si Burgee, eh. Tapos yung mga friends namin, seeing the pandemonium that was going on, just made light of the situation by joining the commotion and kunwari pinipiktyuran nila ako with their phones (na wala namang cameras)", ika nga ni Goobs.

I was there when it happened and I saw nothing wrong with what happened. Apparently masama daw ang loob ng Hey kasi binabaduy daw sila, which is the exact word na narining kong ginagamit nila. Inaapi daw sila at mina-mock, is what i understand.

Grabe naman. Parang naman sila si Jolo Revilla, papasok pasok sa showbiz tapos magpapaapekto sa lahat ng bagay. C'mon man, kung kakain ka ng kilawin at tahong, huwag na huwag kang magrereklamo at iiyak iyak kung bigla nalang matae ka at bumulusok ang nagtutubig na tae mula sa puwit mo.

In other words, you wanna swim in the sea, you better deal with the salt.

UNANG UNA, hindi naman sila iniinsulto eh, simpleng pagpapatawa lamang between friends ang nakita ko. Buti sana kung si Burgee mismo ang nilapitan nila at humiyaw hiyaw sila sa harapan niya diba?

Sobra naman sila, kala nila na lahat ng bagay at usapan tungkol sa kanila? Oh My God. Grabe over to the max sila ha. Nagsisimula palang sila sa kanilang karir eh ganyan na sila ka-sensetib? Balat Sibuyas? Onion Skinned? Praning? Praranoid? These are only a few words that come to mind. Diyos ko 'day!

PANGALAWA, ayon sa isa kong informant at unimpeachable source, hindi din sila sumunod sa usapan sa pagkasunod sunod ng mga bandang tutugtog. May mga nasingitan daw sila. Eh buti naman walang sinabi yung mga ibang tao na kesyo inaalipusta sila ng Hey blah blah blah.

PANGATLO, ayon sa isa ko pang DPA or Deep Penetration Agent, naiinis daw ang Hey kasi tinatawag daw silang Pogi. Ano ba talaga Kuya? Ate? Tita? Tito? Kung tawagin silang Ngetpa tiyak na magagalit din sila. Complement na nga yun sa kanila galit pa sila? Diyos Mio.

LASTLY, as a word of advice to Burgee and the rest of Hey, easy lang kayo. Tularan niyo ang PBA great na si Hector Calma... Calma lang siya diba? Cool lang siya, calma lang. The world doesn't revolve around you guys, and it isn't out to get you or to mock you or to baduy you. Wag masyadong seryoso, maging happy lang at masaya at huwag magpa apekto at huwag pansin ang bawat butil ng mga bagay bagay na nagaganap sa kapaligiran ninyo. Learn to let things pass, mga kaibigan.

Ika nga ng ating magiting na pangulong si Manuel L. Quezon sa kanyang unang SONA,

"....ang baduy lang ay ang mga pikon at balat sibuyas...huwag maging baduy..."



Sabi rin ni former Rep. Ted Failon...
"Bato bato sa langit, ang tamaan huwag magagalit...Ang pikon ay laging talo..."


Comments and Hate reactions are very much welcome. Do you know who the Blind Items are referring to? If so, send a message to the WALANG INUURUNGAN office and get a chance to win exciting prizes!

1 Comments:

  • Meron din akong narinig na kasabihan nung ako'y nasa kolehiyo. Wika ng aking mga ka-eskwela:

    Ang pikon....supot.

    By Blogger haiku, at 6:53 PM  

Post a Comment

<< Home