WALANG INUURUNGAN!

Tuesday, August 09, 2005

69 POINTS FOR GRYFFINDOR
[CONTRIBUTED BY DIRTY HARRY POTTER]

Mayroong mga umiikot na balita na may isang action star na may asawa't mga anak na, na di umano'y suma-sideline daw sa isang celebrity personality. Totoo kaya ito? Nagche-check in daw si action star at si celebrity personality sa mga mamahaling mga hotel sa Makati upang ipakita at iparaos ang kanilang mga pagnanasa sa isa't isa.

Kasama pa daw ni action star ang pamilya niya na walang kamuwang-muwang na kumakain sa isang restaurant - in the same hotel na kung saan niya kikitain si celebrity personality. Ano kaya ang idadahilan niya sa pagtakas niya? "Dear, magbabanyo lang muna ako ng 3 hours ok?"

At hindi lang yan. Si celebrity personality ay nangangaliwa din, sapagkat may boyprend na siya. She's got guts, no pun intended. Tsk. Tsk. Tsk. Baka si celebrity personality ay namumuhunan na just in case maging presidente si action star? Hmmm?


DO YOU WANT TO LEARN THE MAGIC AND WIZARDRY OF CONCOCTING BLIND ITEM SPELLS? IF SO, SEND A MESSAGE TO DIRTY HARRY POTTER THROUGH THE WALANG INUURUNGAN FRONT OFFICE

0 Comments:

Post a Comment

<< Home