WALANG INUURUNGAN!

Sunday, January 29, 2006

IF A PICTURE PAINTS A THOUSAND WORDS, THEN WHAT ABOUT TWO?
[CONTRIBUTED BY JEFF SANCHEZ OF QUEZON CITY, AVID WALANG URUNGAN READER]

Thursday, December 08, 2005

ANG ALAMAT NG MYNAH BIRD NA NAGLAYAS, BUMALIK SA KANYANG PUGAD, AT HUMINGI NG TAWAD, AT PINARUSAHAN
[CONTRIBUTED BY MR. JOSE MA. DALDAL, FREELANCE CONTRIBUTOR AND SPY]

Magandang araw sa inyong lahat mga kaibigan! Kumusta na kayo? Ang tagal na mula nung huling article natin ano? Ay grabe, ang daming mga bagong chismis pero yung mga iba medyo madugo at mahirap ibunyag kasi baka madedo ng di oras ang lola mo.

Siguro ay naiintriga na kayo at mukhang napakahaba ng title ng article natin ano? Ang kuwento natin ngayong araw ay isang alamat tungkol sa isang ibon. Handa na ba kayo mga bata? Sige maghanap na kayo ng upuan para may mapalo kayo sa mga chismoso ninyong mga ulo.

Halina't magsimula na tayo.

Noong unang panahon, ay mayroong isang Mynah Bird na maganda naman ang takbo ng kaniyang buhay, sapagkat magaling siyang humuni at kumanta, at marami ang naghahanga sa kanya, in fact, meron nga syang mga albums, would you believe?

Isang araw, itong ibon na ito ay bigla bigla nalang nagtampo at nag alburuto. Ayaw na daw niya sa bahay niya, ayaw na daw niya sa pamilya niya, sapagkat hindi daw siya masaya sa pamamalakad nito. Sabi niya "Bleh! Mas maGanda sa iba!"

Sa sobra ng pag-tantrum ng bida nating Mynah Bird, pinamigay niya ng libre, for FREE ang mga gamit na bigay sa kanya ng mga magulang niya. Sa galit ng mga magulang niya at dinemanda nila ang sarili nilang anak! Pero wala naman atang nangyari sa kasong ito sa korte.

Pagkaraan ng ilang buwan, ay nakahanap ang bida nating Mynah Bird ng panibagong pamilya at pugad na matitirahan sa may kanto ng Vincent Del Rosario Boulevard at ng Walang Kuwentang Record Label Avenue.

Anyways, masaya ang lahat noong una (para sa bida nating Mynah Bird), sapagkat nakukuha niya ang lahat ng layaw niya, at the expense ng iba niyang mga housemates na matagal nang nakatira dun. Pero ibang kuwento na yun, at ibang article yun. Ibang alamat yun, ikanga.

Hindi nagtagal, naglayas nanaman si Mynah Bird, sapagkat panget pa rin daw ang pamamalakad ng kanyang bagong tinitirahan. Sabi niya, "Vwisit! Ina nyo! Vwisit tAlaga!"

So to make the long story short, naglayas nanaman siya at naghanap ng ibang matitirahan (or better yet, maloloko). Before long, ang padre pamilya ng tinirahan ng ating bida, na si Mr. Del Rosario, ay nagalit. Nagsampa sya ng mga kaso sa korte. Nung una, nagmatigas pa talaga si Mynah Bird at ayaw niyang pumunta as korte, dinededma ng lolo mo ang mga subpoena chenes.
Pero nung nakita na ng bida nating Mynah Bird na wala silang mapapala at baka makulong pa sila kasama ni Hubert Webb sa Munti, nagbalik sila sa bahay nila as Vincent Del Rosario Boulevard.

Parang isang tunay na prodigal son, nagbalik pugad ang Mynah Bird natin.

"Sorry po itay, I've been a bad Mynah Bird, sorry po sa paglalayas at sa pagreklamo ko, at sa paghanap ko ng ibang pamilyang malilipatan. Sorry na po talaga hindi na po mauulit. Sige na po sorry na po please lang po ayaw ko po makulong sa Muntinlupa, paano na po ang aking mga magaganda at matitingkad na balahibo at balat? Baka bunutin po ito at babuyin sa Muntinlupa. Sorry na po itay, patawad po."

Napaisip at medyo naluha ang padre de pamilyang si Mr. Del Rosario. Sabi niya,

"Anak, alam mong mahal na mahal kita. Lahat ng gusto mo binigay ko sayo, cellphone, laptop, lahat, hingin mo, ibibigay ko. Kahit naapakan na at nababoy na ang mga ibang kasama mo dito sa bahay, sige parin ang bigay ko sayo. Yung mga DAPAT SA KANILA, BINIGAY KO NA DIN SAYO.

Sige, pagbibigyan kita. Ngunit, bilang parusa, sa ayaw mo't sa gusto mo, dapat kang gumawa ng isang album na puro covers ng mga 80s new wave hits."

Sabi ng Mynah Bird, "Sige po. Opo"

[PLEASE SEND YOUR HATE MAIL AND QUESTIONS TO francischizmoso@gmail.com]

Friday, October 28, 2005

MGA PESTENG UNGGOY NA SUMISINGIT, SI BOSSING AT SI ANGHEL, AT ANG WALANG KAKUPAS KUPAS NA BURGER COMBO MEAL
[CONTRIBUTED BY PAQUI ALAMERO, HOTEL MANAGER AND CHEF]

Ako ay lubos na natutuwa sapagkat muli akong binigyan ng pagkakataon ng ating kaibigang si Francis "Chiz" Moso na magsulat para as walang kamatayang online pahayagan niyang WALANG URUNGAN. Moving on, halina tayo at tumungo na tayo sa mga mas mahalaga at mas masasarap na mga chizmax.

Unang chizmax na nakahain sa ating menu ngayong araw...

LIMANG ORDER NG PESTENG UNGGOY NA SUMISINGIT w/ a dash of Kakupalan Herbs and Spices
Naku po. Itong mga involved dito sa chikang ito ay na-feature na dito sa WALANG URUNGAN. Sila ang mga gustong maging milyonaryo! Leche! As usual, ang grupong ito ay mahilig na mahilig sumingit at magdikta ng oras nila sa pagtugtog, kahit huli at late na sila dumating. Ang sarap paguntug-untugin ng mga unggoy na'to!

Ang alledged singita na ito ay naganap sa isang tugtugan kamakailan sa isang bar na bagong bukas sa may bandang Katipunan. Medyo maraming mga naasar at naimbiyernang mga banda at tao sa grupong ito, dahila marami silang nasingitan. Itago nalang natin sila sa pangalang TM. As in The Monkeys. Lagi na lang sila late dumating at may apog pa silang magdikta ng oras ng pagtugtog nila kahit sumingit pa sila ng sumingit mga peste talaga sila. HOY! SINGIT KAYO NG SINGIT! MUKHA NA KAYONG MGA SINGIT NG UNGGOY! GISING!

ISANG ORDER NG SIZZLING BOSSING w/ ANGEL HAIR PASTA
Ito namang chika medyo showbiz. May isang unwitting DPA na di umano'y nakasaksi ng isang napaka juicy na chizmax material. Itong DPA na ito ay pumunta sa set ng isang sikat na noontime show sa isang sikat na TV station. Ang ating DPA na ito ay kinausap ang isa sa mga host nitong noontime show upang magpapirma ng otograp at hanapin si MS, na isa ding host ng noontime show na ito. Ang DPA natin ay itinuro sa private office ni MS, na kung saan kumatok sya at pumasok.

Nailang nalang ang ating DPA nung makita niyang may nakakandong kay MS na chikkabeybz, na hinahalik halikan sa leeg si MS. Humingi ng paumanhin ang DPA natin at nagpapirma na ng otograp kay MS. Natural, upang makapagpirma si MS ay dapat munang tumayo ang nakakandong ng chikkabeybz. Nagulat nalang ang DPA natin nung tumayo ang chikkabeybz at nung paglingon, ay nakita niya ang mukha.

Itago nalang natin ang kandungerang ito sa pangalang TA. Ayus? Ayus. Tsalap tsalap!

ISANG JUMBO ORDER NG BURGER COMBO MEAL w/ side order of maruya
Nakhoompocha. Itong topic natin medyo nabanggit na ng dalawang beses sa mga nakaraang isyu ng WALANG URUNGAN. Actually, ang mga indibidwal na ito ang topic nung kauna-unahang edition ng online pahayagan na ito.

Para sa mga hindi nakakaalam, paki basahin nalang ang unang isyu ng WALANG URUNGAN, kasi mahirap na magtype pa ako ng kay haba habang nobela, eh kung puwede niyo naman silipin, silipin niyo na, wag kayong tamad.

Okey, nabasa niyo na? Good. Pagkatapos ng tugtugang nabanggit, may isa kaming DPA na nakarinig na sinasabi daw ng grupong Hey na feeling daw nila na ginamit sila ng bandang Warmz para sa nasabing tugtugan, kasi nung araw na yun, isinagawa ng Warmz ang pagbigay ng tipar sa kanilang mga mailing list members.

In the alledged words of the group Hey, "WE FELT USED".

Oh my god.

In my own words, GAGO KAYO. ANG YAYABANG NG MGA LECHENG APOG NIYO. MGA PESTENG BALAT SIBUYAS KAYO ANG AARTE NIYO. PWEH.

Ang sama ko ba? Actually hindi naman masyado, sapagkat nasagap ko sa isa ko pang DPA na unang una, hindi talaga dapat kasama ang Hey sa tugtugan nung araw na yon. Ang kasama dapat ay ibang banda - ang Orange and Lemons at Cambio. So kung may problema sila na feeling nila ginamit sila, huwag nilang sisihin ang mga kasabay nilang banda, kausapin dapat nila ang may ari ng lugar, kasi hindi naman talaga sila dapat kasama sa lineup.

Shet, ayoko na. Tama na. Ang sakit na ng puso at ulo at tiyan ko. Pati na din ang mga paa ko sa kasisipa sa pader.

Peace lang tayong lahat mga mudras at sisters okay? Ayus? Ayus! Hanggang sa muling isyu, ito ang inyong lingkod, na nagpapaalam.

[FOR ANY HATE MAIL, OBJECTIONS, VIOLATE REACTIONS, please send an email to our offices through francischizmoso@gmail.com]

Tuesday, October 04, 2005

HEART PINOPONGPYANG, LUTUAN SA GBOB, at ALITAN NG PUSA AT HAMBOORJER?
[CONTRIBUTED BY U. CICERO, LIFESTYLE SECTION, WALANG URUNGAN]

It has truly been a busy week for the WALANG URUNGAN offices, as we are currently on tour, doing the rounds of schools, offices, and whatnots. Our beloved Mr. Chiz Moso has been lending his time to various institutions, giving talks and lectures to journalists, and other media people.

Anyways, pasensya na sa medyo matagal na panahon na walang bagong "CHIZ" dito. So let us go down to business shall we? Marami tayong hot topics to tackle, three to be exact. So buckle up ikanga ni Han Solo. And enjoy the ride. Hindi ko alam kung sinabi niya talaga 'yon.

Unang una, si Heart Evangelista daw ay hindi kasing inosente ng kanyang hiktsura. Kala ko pa naman isa siyang mahinhin na rosas. Pero hindi pala. Ayon sa isa naming very very very credible source na insider sa showbiz community, usap usapin na talaga daw ang pagsasama at pagpopongpyangan ni Heart Evangelista at ng kanyang Vietnam Rose co-star na si John Estrada. Naku po. Paano na si Vanessa Del Bianco? Nakakainggit naman si Heart!

Apparently, for show lang pala ang rumors ng love team nila ni Jericho Rosales para sa hype ng Panday ng ABSCBN. Ang totoong nangyayari pala ay ang ESPADA ni ESTRADA ang PINAPANDAY ni Heart, hindi yung kay Echo! ARAY!

Pangalawang CHIZ! Alam naman siguro ng karamihan na sa kasalukuyan ay may ginaganap ng paligsahan o contest ng mga banda. Ito ay ang GLOBAL BATTLE OF THE BANDS, o GBOB kung tawagin. Ang pagkaalam ko ay hanggang ngayon ay patuloy parin ang contest na ito hanggang may mahanap silang banda na magrerepresent sa Pilipinas sa London, kung hindi ako nagkakamali.

Marami nang mga banda ang natanggal, nasipa, at nachugi. At siyempre marami na rin ang natanggap sa eliminations. Ngunit, may UNCONFIRMED chizmiz na kumakalat na nasagap ko mula sa isang DPA na may LUTUAN daw na nagaganap sa paligsahang ito.

Ayon sa kanya, ang mga bandang hawak daw ng isang certain female manager ay siguradong makakapasa sa eliminations. Basta daw alaga ka ni ***** ay tanggap ka na daw at pasado na ang banda mo sa GBOB eliminations. Clue? Gusto niyo ng clue? Hindi puwede noh! Magpasabog muna kayo! Paghirapan niyo!

LAST BUT NOT THE LEAST JUICY CHIZ. Mayroon kaming nasagap na UNCONFIRMED report at usap usapin tungkol daw sa hayagan ng damdamin sa pagitan ng dalawang lead singer. Itong balitang ito ay lumabas din daw sa isang tanyag na pahayagan.

Sa isang tugtugan daw na kabilang ang maraming mga banda, nagtagpo daw ang dalawang parties involved na ito. Incidentally, lead singer silang pareho. Yung isa medyo may edad na, at yung isa medyo bata pa. Yung lead singer na medyo may edad na ay matagal na sa industriyang musika, sikat na sikat sila nung dekada 90s, at kung hindi ako nagkakamali ay nanalo pa sila ng NU ROCK AWARD for SONG OF THE YEAR.

Medyo nawala lang sila sa sirkulasyon, kung bakit ay hindi ko na alam. Siya ay itago natin sa pangalang LEAD SINGER A.

Yung mas bata naman na lead singer ay baguhan lang sa eksena ng musika. Siguro mga isang taon palang silang tumutugtog. Sikat na sikat sila ngayon as in. Para padaliin ang pagtukoy sa kanya, siya ay si LEAD SINGER B. Anyways, may CHIZ na kumakalat na may sinabi daw si LEAD SINGER B kay LEAD SINGER A tungkol sa pagtugtog ng mga banda noong dekada 90s. Allegedly, sinabi ni B kay A na, and I quote my source:

"Ang problema siguro sa mga banda noong panahon niyo, hindi kayo magaling eh."

Baka naman si B ay na-"taken out of context" ika nga sa Inggles. Baka naman ay may iba siyang ibig sabihin at mali lang ang paglabas ng mga salita sa bunganga niya.

Baka naman din totoo ito. Ewan natin. Ewan.

DISCLAIMER: Itong balitang ito ay nasagap lang ng tanggapan namin sa pamamagitan ng 2nd hand sources of information, at ipinapahayag lang namin in the best interests of investigative journalism and free press.

Kaya, BATO BATO sa LANGIT, TAMAAN SANA ANG MGA PIKON. You know who you folks are.

[PLEASE SEND YOUR VIOLENT REACTIONS, HATE MAIL, CONFIRMATIONS, DENIALS, and COMMENTS TO THE WALANG URUNGAN OFFICES]

Wednesday, September 14, 2005

VIVA HOT BABE NAPONGPYANG NG NEGRO? ARAY!
[CONTRIBUTED BY MR. PAQUITO "PAQUI" ALAMERO, FREELANCE BEAUTICIAN AND STUNT COORDINATOR]

First of all, on behalf of this website's most gracious and humble creator, na si Ginoong Francis "Chiz" Moso, gusto sana naming humingi ng kaunting paumanhin at medyo natagalan ang pagpost dito sa WALANG URUNGAN, sapagkat noong nakaraang linggo, si G. Moso ay sumama sa press junket ng isang film na kasalukuyang shiu-shoot.

Anyway, eto na ang mga umaatikabo at nagbabagang mga balita. A few months ago ay pumasyal dito ang isang sikat na hiphop artist mula sa States na si Ja Rule. Siya ang nagpasikat ng mga kantang "I'm Real", "Always On Time", "Livin' It Up", at marami pang iba. Anyway, hindi naman ito ang punto ng chikang ito.

Nabalitaan ng isa naming DPA na sa gabi ng concert ni Ja Rule ay nagsipuntahan ang mga Viva Hot Babes upang maisatupad ang dalawang hangarin - 1) Magpakyut kay Ja Rule at 2) Magpapongpyang kay Ja Rule. Simple lang naman ang mga hangarin ng mga napakahinhin at napakainosenteng mga dilag na ito.

Ngunit, lingid sa kaalaman ng mga Viva Hot Babes (o baka tanga lang talaga sila), si Ja Rule ay isang negro. Negrong Amerikano. At alam naman natin na ang mga anak ng Unlcle Sam ay hindi mahihilig sa mga dilag na tulad ng mga VHB. Mas trip ng mga Kano ang mga tinatawag na "EXOTIC" looking babes, na matatagpuan hindi sa backstage ng concert, kundi sa mga kalye ng Ermita at P. Burgos.

To make the long story short, inisnab ni pareng Ja Rule ang mga napakainosente at nakakaawang mga Viva Hot Babes natin. In the end, and ROADIE / PA na lang ni Ja Rule ang pumongpyang sa isang Viva Hot Babe. Tutal, pare pareho naman ang iktsura ng mga Noypi para sa mga Kano diba?

Ganun din ang mga negro. Pareho lang silang lahat sa mata ng mga Noypi. Kaya siguro inisip nalang ng napongpyang na Viva Hot Babe na "Okey na din 'to, negro din naman eh." Tsk Tsk. Kawawang dilag. Parang siyang nagorder ng footlong at nakuha niya ay, well, footlong din. Ibang lasa at hugis lang siguro. Tugudugudug! Tsssss! Amen.

Incidentally, pareh ang initials ng napongpyang na Viva Hot Babe at ni pareng Ja Rule.

JR din siya. Kilala niyo ba siya? Hmmmm?

Tuesday, August 09, 2005

69 POINTS FOR GRYFFINDOR
[CONTRIBUTED BY DIRTY HARRY POTTER]

Mayroong mga umiikot na balita na may isang action star na may asawa't mga anak na, na di umano'y suma-sideline daw sa isang celebrity personality. Totoo kaya ito? Nagche-check in daw si action star at si celebrity personality sa mga mamahaling mga hotel sa Makati upang ipakita at iparaos ang kanilang mga pagnanasa sa isa't isa.

Kasama pa daw ni action star ang pamilya niya na walang kamuwang-muwang na kumakain sa isang restaurant - in the same hotel na kung saan niya kikitain si celebrity personality. Ano kaya ang idadahilan niya sa pagtakas niya? "Dear, magbabanyo lang muna ako ng 3 hours ok?"

At hindi lang yan. Si celebrity personality ay nangangaliwa din, sapagkat may boyprend na siya. She's got guts, no pun intended. Tsk. Tsk. Tsk. Baka si celebrity personality ay namumuhunan na just in case maging presidente si action star? Hmmm?


DO YOU WANT TO LEARN THE MAGIC AND WIZARDRY OF CONCOCTING BLIND ITEM SPELLS? IF SO, SEND A MESSAGE TO DIRTY HARRY POTTER THROUGH THE WALANG INUURUNGAN FRONT OFFICE

WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE?
[CONTRIBUTED BY MR. KEN G. COY, FREELANCE PERFORMANCE ARTIST AND BUSINESSMAN]

QUEZON CITY - Wala sigurong tao na hindi nakakaalam sa show na "Who Wants To Be A Millionaire", na pinasikat ni Mr. Christopher "BOYET" De Leon, sa pamamagitan ng mga samu't saring mga lifelines na sinusundan niya ng mga hirit na "Is that your final answer?" Galing diba? Nakakamiss talaga itong show na ito.

Gayunpaman, may mga undercover assets kami sa opisina namin na nagbalita sa amin na buhay nanaman ang show na ito. Hindi sa TV, kundi sa tunay na buhay daw? Agad agad naming pinadampot ang mga assets namin upang ipasailalim sila sa masusing interogasyon ukol dito.

Ayon sa kanila, may isang grupo daw na gumawa ng theme song para sa isang channel sa TV na ginagamit sa isa sa mga programa nito. Nung panahon na iyon, napagkasunduan daw ng grupo at ng TV channel na ito na wala daw matatanggap na bayad ang grupo para sa awiting sinulat nila, sapagkat kulang daw sa budget ang nasabing TV channel na ito.

Base sa nasabi ng mga assets namin, pumayag daw ang grupo, dahil napagisipan nila na kahit papaano ay may makukuha naman silang exposure sa pamamagitan ng pagtugtog ng kanta nila as TV channel na ito. In fairness, nagkatotoo naman ang hinala nila sapagkat nagkaroon ng ingay o buzz ang grupong ito, sapagkat maraming nakakilala sa kanila dahil sa paggamit ng TV channel na ito sa kanilang kanta.

Fast forward tayo. Pagkaraan ng panahon, itong grupo na ito ay nakapag-close ng deal sa isang major recording company.

Slo-motion naman. Nagulat nalang daw ang management ng nasabing TV channel nung nakatanggap sila ng billing o paniningil mula sa grupong ito...to the tune of P1,000,000.00! Hindi namin confirmed kung gaano katotoo ang numerong ito, ngunit ito ang bali-balita sa karamihan ng mga assets namin. Wow! Totoong buhay na pala ulit ang palabas na "Who Wants To Be A Millionaire", yun nga lang, hindi na si Boyet De Leon ang host.





PLEASE SEND YOUR HATE REACTIONS, DENIALS, OR CONFIRMATIONS TO THE WALANG INUURUNGAN HELPDESK

Sunday, August 07, 2005

CAPTAIN JACK SPARROW
AND THE BLACK PEARL
[CONTRIBUTED BY DR. MARCUS WHALE, P.H.D., DOCTOR OF CHISMISOLOGY]

MAKATI CITY - Mayroong mga kumakalat na balita na di umano'y mayroong isang unsigned na banda na naging biktima ng pamimirita, at ang masakit pa dito ay wala pa silang album! Ang Demo CD ng bandang ito ay ang di umano'y napirata ng hindi pa nakikilalang mga nilalang.

Ayon sa reports ng aming mga Deep Penetration Agents, ang bandang ito, na itago nalang natin sa pangalang GF, ay naglako ng kanilang Demo CD sa isang record label.

Sa panayam ng aming DPA sa isang miyembro ng GF na itago nalang natin sa pangalang Jay-2, nilako daw nila ang kanilang Demo CD sa isang record label sa Metro Manila. Ayon kay Jay-2, nagmistulang mga gulat na palaka nalang sila nung malaman nila na pagkaraan daw ng isang linggo ay natagpuan na sa Recto ang kanilang Demo CD. Nilinaw ng aming DPA kay Jay-2 na baka naman ay may ibang tao silang nabigyan ng kanilang Demo CD. Wala daw sabi ni Jay-2. Ayon sa kanya, isa lang daw ang nabigyan niya ng Demo CD ng GF.

Sa tingin ko, hindi naman siguro yung mismong tao na binigyan ni GF ng Demo CD and namirata. Sa tingin ko, may mga taong may malilikot na kamay na umaali-aligid sa mga record company.

Inside Job, kung baga.

Bilang paglalahad sa artikulong ito, mag-ingat nalang ang lahat ng mga bandang nagbibigay ng kanilang mga Demo CD sa kung saan saang mga tao o record labels. Ingat lang at baka mabiktima ng mga karumal dumal na pamimirata!


You may report any anomalies or injustices committed on you or by you, to the offices of DR. MARCUS WHALE, P.H.D. Just send him a message through this site.